Ito ang usapan na naganap sa pagitan ko at ng isang service crew member ng Whirlpool habang chine-check ang aking washing machine.
(Pagkatapos kalasin ang washing machine at paandarin ito)
Whirlpool Man (WM): Mam, naka-warm setting po kasi kaya may tumutulong tubig dun sa kabilang hose. Dapat naka-set lang po sa Cold dahil wala naman po kayong hot water.
Me: Ah, ganun ba? Yun lang ang cause, wala ng iba?
WM: Opo.
(fine...pinalagpas ko na kahit alam kong di pa enough ang observation na ginawa nya, pano kung hindi yun? pano kung may ibang cause pa?...oh well, pinalagpas ko na)
Pero ito ang di ko pinalagpas:
WM: Mam, napansin ko pa mababa yung PVC pipe ninyo...Dapat medyo mataas po ng konti.
(Note: It is in this pipe where a bigger hose of the machine is connected. This is where the water goes after the washing has been done).
(I'm a computer programmer for almost a decade and I can't blame myself if I become too analytical not only with work but with anything that I deal with...and so I ask and ask until I would get the logic. Also, I'm a first-time owner of a washing machine, kaya di ko lahat kabisado kung ano ang dapat at hindi dapat...I learn by experience.)
Me: Ah, ganun ba? Bakit kelangan itaas?
WM: Para di po tumulo yung tubig.
Me: (wondering kung bakit tutulo ang tubig kung naka-connect naman yung hose dun sa pipe, unlesss butas yung hose or yung pipe....super clueless talaga ako) San tutulo yung tubig?
WM: Dun sa hose po
Me: Pano tutulo e naka-direct naman yung hose dun sa pipe?
WM: E, kasi nga po mababa yung PVC Pipe.
(i'm getting impatient here....and so I left the WM with my mom and had her deal with him...but I overheard him saying again about the PVC pipe and how I can't do an extra large load becaus of the pipe's height....lumapit ako uli to ask more about that.)
Me: Ano? Di pwedeng mag-extra large load? At Bakit na naman?
WM: Mam, kasi nga po, mababa yung pipe nyo (feeling ko asar na din yung WM sa kin). Lalabas po yung tubig.
Me: E, bakit nag-eextra large load naman kami, pero walang lumalabas na tubig.
WM: Ay hindi po, mam, lalabas po ang tubig....di nga po sya mag-wawash pag ganun, dahil tuloy-tuloy lang po ang labas ng tubig.
Me: Ano? Sigurado ka? E, nakakapag-wash nga kami ng extra large load. Ano ba talaga reason mo kung bakit kelangan itaas yung PVC pipe? Imposibleng ang reason mo lang is para hindi tumulo yung tubig. E, hindi naman kasama ng washing machine yung pipe, e.
WM: Kasi nga po tutulo yung tubig.
(At this point, I'm really pissed...why? because I don't know why he keeps on blaming the PVC pipe, when in fact, the pipe is not even part of the washing machine. In my opinion, daluyan lang yung ng tubig pag kelangan na i-expel ng machine yung nagamit na tubig at para hindi na kumalat yung tubig)
Me: Hay! Di ko gets talaga ang logic mo?! Dapat alam mo sagutin ng maayos yung mga ganyang tanong, trabaho mo yan, dapat kabisado mo lahat.
WM: Kasi po yung air pressure malakas...
Me: O sige, tapos...
WM: Kaya po tutulo yung tubig.
(Arrgh...ganyan ba mag-explain ang isang service crew member?!?!)
Me: Haay...pagbalik mo nga sa office pag-aralan mo kung bakit kelangan mataaas ang pipie...I-memorize mo yung tamang sagot, para pag sa susunod na may ma-encounter kang tulad ko, eh, alam mo ang isasagot mo.
WM: (trying to pull up the hose...) Eh, mam kasi po ganto, kelangan natin itaas yung hose ng machine para makayanan po yung pressure nung tubig pag naka-extra large load sya...ganto po dapat kataas yung hose....(pulling up the hose, making it level with the machine)
Me: Ahh, kay kelangan itaas yung pipe para ma-cover pa din nya yung hose pag itinaas.
WM: Opo.
Me: Ay sus...yun lang pala, kung sana kanina mo pa sinabi yun eh di sana di ako nakipagtalo sa yo..... (left him immediately)
Sa sobrang inis ko, hindi ko sya binigyan ng tip. Sorry sya! Pinainit lang nya ulo ko, I felt my blood rising up, sa sobrang inis ko sa kanya...I was raising my voice na to the point na nagising pa yung baby ko, sa galit ko....
Haay...I'm really impatient with this kind of people...nakakainis talaga...hindi nila alam ginagawa nila....kainez!